Madalas kong naririnig ang pangalang Bob Ong sa mga internet at sa mga babasahing aklat noon… Maraming nagsasabing si Bob Ong daw ay isang intsik na kapitalista kasi On gang apelyido nya. Ang iba naman ay nag sasabing isa itong grupo ng manunulat na nag rerepresent ng isang tao lng sa pangalang Bob Ong.
Wala akong interest sa mga sinulat or mga akda niya, hangang sinubukan kong basahin sa internet and ibang quotes daw niya tula ng mga sumusunod :
“Hindi naman lagi iiyak ang mundo para lang sa isang tao.”
“Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”
”Tatlong uri ng mamamayan: Ang mahihirap, ang mas mahihirap at ang mga makapangyarihang oportunistang maylikha sa dalawa.”
Minsan naisip ko … ito ba ang mga pangaral ni Bob Ong?... Ito ang tinatangkilik ng mga kabataan ngayon. Marahil kasi mas gusto ng mga batang makarining ng mga pangaral na balbal kaysa sa pangaral mula sa kanilang mga magulang. Mas gusto ng ilan na direktang ipamukha sa kanila ang kanilang katangahan sa pamamagitan ng mga ganitong quotes… kung aking susuriin ang mga ganitong pananalitang ito ay walang pinagkaiba ito sa pananalita ng kuya ko na hindi naman nagbabasa ng Bob Ong o kaya mga researcher dito sa amin (bagong tawag sa tsimosa) . Pero di naman kilala si Bob Ong. Pero bago ang lahat sino ang ba si Bob Ong? Ayon sa napanood kong dukus (documentary) para kay Bob Ong, wala daw nakakaalam kung sino siya, bukod sa tagalimbag ng kanyang aklat. Mas pinili daw ni BobOng na di ipaalam ang kanyang pagkakilianlan… kung tutuusin si Bob Ong ay tayo… ipinapamulat lang sa ating ang mga ka BoBo-hang ginagawa natin. Sana maging aral din sa atin ang mga ibinabahagi ng may akda. Maging mapanuri rin tayo sa mga nilalaman ng kanyang quotes… maari pang makining nalang tayo sa mga magagandang aral n gating magulang na siyang magiging gabay sa ating kinabukasan. At para kay Bob Ong … minsan kita tayo.
No comments:
Post a Comment